WARNING: THE BLOG THAT YOU ARE ABOUT TO READ CONTAINS CHEESY, CHEESY & CHEESY STUFF ABOUT MY BEAR. WHO IS BEAR? YOU DON'T WANNA KNOW.. PARENTAL GUIDANCE IS RECOMMENDED
Wow ang bilis ng panahon, in 2 weeks time 3 taon na kami ni bear! Nice! Sa 3 taon ng relasyon namin marami na ako nagawang kasalanan kay bear, marami na kaming pinag awayan, maraming beses ko na siyang pina-iyak, maraming beses ko na syang niloko,pero dyan pa din siya.
Naalala ko pa nun,nilipat ako ng team dahil nagkaroon kami ng conflict ng boss ko, Nagkakilala kami dahil nalaman nya na gusto ko ung song Baby Don't You Break My Heart Slow by Vonda Shepard
Simula nun parate na kami nagkakasabay umuwi, mag lunch, mag break, hanggang sa umabot kami sa ganito. Hindi naging madali ung 3 taon para sa aming dalawa. Ayoko ng kwento ung nakaraan basta may mga pinagdaanan siya at ako na hindi na dapat balikan pa kaya lang ung nakaraan lalo na kapag hindi maganda magpaparamdam at magpaparamdam sau kahit ayaw mo.
Magpapaka cheezy na ako tutal hindi mo naman mababasa eto pero bear Thank You sa 3 Years. Alam ko na hindi ako deserving mahalin pero pinili mong mahalin ako. Nakita ko lahat ng sacrifices na ginawa mo para sa akin, salamat, sana dumating ung time na magawa ko ring mahalin ka tulad ng pagmamahal mo.
Basta tandaan mo pangalawa ka sa pamilya ko..
Basta tandaan mo pangalawa ka sa pamilya ko..
Happy 3rd Year Anniversary, gagawin ko best ko para maging worthy ako sa pagmamahal mo.
Kaluguran Daka,
Kamote_ako
No comments:
Post a Comment