Showing posts with label addiction. Show all posts
Showing posts with label addiction. Show all posts

11/3/09

'Ally McBeal' Reunited


Oh My, Oh My.. I can't believe that after 12 years I will see them all together on TV! Damn! I remember the good old days, how it change my outlook in life, love and sex! lolz..my addiction to 'Ally McBeal' Is Back !!

10/17/09

Blog

Apat na taon na akong nagboblog at inaamin ko na nagkaroon ng pagkakataon na nawalan ako ng gana, marahil napagod ako sa kakakuwento ng buhay ko na hindi ko alam kung may interesadong makaalam at sa apat na taong un puro Ingles ang lenguahe ang ginagamit ko sa aking pagsusulat, mahirap minsan inaamin ko, hindi naman kc ako perpekto sa lenguaheng eto pero masarap ang pakiramdam ko tuwing naisusulat ko ang mga saloobin ko.

Naalala ko kahit dilat na ang mga mata ko sa nagdaang dalawampu't apat na oras cge lang, sulat pa rin ako, maipost ko lang sa blog ko. kahit nga nasa kalagitnaan ako ng Team Meeting cge lang sulat pa din, nakakantyawan tuloy ako ng mga kasamahan ko sa trabaho na parang baliw.

Masaya ako tuwing nakakapagsulat ako, walang problema sa akin kung ano man ang isipin ng ibang tao, kahit mali grammar ko, wala namang perpekto eh, dun nga ako natutoto.

Nagaalala lang ako kc nitong mga nagdaang buwan marahil sa sobrang busy sa trabaho nakalimot na ako magsulat at magpost sa blog ko. Biglang nawala ung hilig ko, eh dito dapat ako masaya bakit napabayaan ko na. Mali..Mali..hindi dapat ganun!

Kailangan kong balikan eto dahil ito ang nakapagpapasaya sa akin. Magsusulat na ulit ako, at sisimulan ko ngaun.

Oops. 11:56 PM na, apat na minuto bago ako magsimula makipag usap sa mga forendyer, log out na ako, baka ma-late pa ako! Ciao!

**Why did I not post this blog? Found this piece of draft on my other blogsite that I never got to share.