5/26/08

anong_ulam?

Hindi ko na siya maintindihan, parate siyang uptight, marami siyang reklamo sa buhay ko, sa family ko, sa magulang ko, nahihirapan na raw siya..pati pamilya ko kung ano ugali nila kung ano kami sa bahay naiinis siya, nasasaktan ako kapag may sinasabi siyang masama sa magulang ko minsan dinadaan ko sa tawa,masakit kc magulang ko yan eh, tanggap ko naman kung ano magulang ko kahit na hindi maabilidad magulang ko sa pera magulang ko pa rin yan hindi ko na mababago kung ano siya.. pero ang totoo ako ung nahihirapan sa tuwing uptight siya sa akin, dati rati gustong gusto niya na nagluluto para sa akin, kahit mainit ok lang sa kanya na pumunta sa palengke, kahit maraming tao nakikipagtawanan pa siya sa akin..pero nitong nagdaang mga linggo iba na..ang laki ng pinagbago niya, cguro hindi ko na natiis mga sinasabi niya sa akin kanina habang naglalakad kami pauwi galing sa palengke hinampas ko dibdib niya ung mga binili naming lulutuing ulam..nakakapagod na magmahal... Hindi ko naman siya pinilit na puntahan ako ahh, kung mahal niya ako dapat tanggapin niya kung ano maibibigay ko sa kanya, dahil un lang kaya ko ngaun...nagtitiis naman ako eh, binibigay ko kung anong meron ako para maging masaya siya.

Pagod na ako.. mahal ko siya..

No comments: